PULANG DUGO

Terorista ka raw?

Nasa bingit ng krisis ang Timog Katagalugan. Isang krisis na sumasakal sa demokrasya, sa kalayaang ipinaglaban ng mga nauna sa atin.
Araw-araw, may aktibistang ginigipit. Buwan-buwan, may matang nakasubaybay sa bawat kilos nila. Taon-taon, may isang hindi na nakakauwi.
Sa bansang kayang ipagkait sa’yo ang lahat dahil lang sa pagtataas ng kamao, ang takot ay hindi lang nasa mga lumalaban, ito’y bumabalot sa ating lahat.
Ang Pulang Dugo ay kwento ng isang kabataang tagapagtanggol ng karapatang pantao—isang tinig na pilit pinatatahimik, isang pangalang idinugtong sa salitang “terorista” sa ilalim ng batas na dapat sana’y nagpoprotekta sa kanya.
Ang pelikulang ito ay hindi lang tungkol sa kanya.
Ito ay tungkol sa halaga ng pagtitindig sa presyong binabayaran ng mga nagmamalasakit. Sa batas na ginagamit hindi para magtanggol, kundi para manupil.